"Do not stop believing"
Ang linyang ito ang naging inspirasyon marahil sa tanang buhay ko.Ika nga ng isang Philosopher, ang lahat ay nagsimula sa wala, kahit yaong mga kinikilalang tao sa lipunan, yaong mga matatalino at tanyag.
Bagamat ako'y isang ordinaryong tao lamang, hindi ko rin matiis na wala lamang akong patutunguhan. Kaya minabuti kong tinuklas and hiwaga ng aking buhay, at ngayon napagtanto kong may kaya din naman pala ako. Hindi man sa pera, kayaman, katanyagan, o di kaya'y karanyaan kung hindi sa angkin kong kakayahan na imulat ang bawat mamamayang Pilipino lalong-lalo na 'yong mga mahihirap na kagaya ko,na ang 'buhay kapag hindi binigyang kulay ay hindi magnining.'
Sisimulan ko, sa kolehiyo kung saan ako nag aaral ngayon. Ako ay isang estudyante na nag aaral sa kursong Bachelor of Science in Mathematics, sa isa sa mga pinakasikat ngunit lapitin ng mga mahihirap na institusyong kolehiyo. Ito ang Negros Oriental State University o mas kilala sa pangalang NORSU na matatagpuan sa siyudad ng Dumaguete. Dito makikita ang mala-diyamanting lugar kasali ang bukirin. Dahil nga sa ambisyong makapag-aral, makatapos ng kurso at higit sa lahat magkaroon ng magarang trabaho, napadpad ako sinasabi nilang 'City of the Gentle People,' well, tutuo din naman dahil mabubuti ang mga tao rito.
May kaunting kaalaman ako sa Journalismo kung kayat naging official writer ako sa pahayagang isa sa buong Pilipinas na nagpapalabas ng diyaryo weekly. Yes, totoo, sikat ang pahayagang "The NORSUnian," dahil ito'y isa lamang sa tatlong paaralang kolehiyo sa buong Pilipinas that comes out weekly.
Noong June 2010,nagsimula ako bilang isang newbie, at agad din namang na promote bilang isang senior writer dahil sa angkin kong karisma sa pagsusulat. Maigi akong nagsusulat ng mga balita at mga lathalain,kung kayat naging advantage ko rin na i-develop ang aking journalistic skills. It's now then that I sense myself developing.
Malayo pa ang patutunguhan ko, sa ngayon naniniwala akong may higher positions pa akong mapapaglapakan. Sa prefesyon ko, ngayun bilang isang journalist at marangal na tao.
No comments:
Post a Comment